An Open Letter: Sibakin si MIAA GM Hondrado and mag-resign ka na DOTC Sec. Abaya!

November 4, 2015 by rdagumampan

Ako po si Rodel E. Dagumampan, isang OFW na nagtatrabaho sa Kuala Lumpur, Malaysia. Ngayon taon 2015, maraming beses ako dumaan sa NAIA kapag may official business trip or kapag may bakasyon. Kaisa ako ng lahat ng pilipino at mga OFW na galit na galit sa nangyayari sa NAIA. Damang dama ko ang takot, galit, pagkainis sa mga opisyal at sangkot sa scam na to ng TANIM BALA.

Honrado-Abaya_CNNPH

Kay DOTC Secretary Abaya, MAG RESIGN KA NA! Bakit? Simple lang… Dahil ang DOTC ang pinaka palpak na ahensya ng ating gobyerno. Andyan ang traffic sa EDSA, problema sa LRT at MRT, delayed na mga kontrata sa expansyon ng LRT at MRT, pang araw-araw na delayed flights, systemic na korapsyon sa LTO at LTFRB, at eto pa TANIM BALA! P**** I*** talaga.

Kay MIAA General Manager Jose Hondrado, MAG RESIGN KANA! Bakit? Simple lang… Dahil kaw yata pinaka-palpak sa hawak ng palpak mong boss and insensitibo sa dinadaranas ng mga pasahero sa NAIA.

Sige, isa-isahin natin:

  • Sa dami ng security sa NAIA, tirik na tirik ang araw 11AM, binaril at napatay ang mayor at asawa nya sa Bay 8 ng NAIA T3. Sabi ni Hondrado, sorry na lang wala daw CCTV kaya nganga na lang kayo mga imbestigador.
  • Bayaran sa security guard na nag-aayos ng white taxi. Tanghali tapat kung mangotong ito mga security guard na nag aayos taxi sa NAIA. Minsan ko to nakita, kumulo dugo ko at kinausap ko yun guard (Late na ko kaya di nareport).
  • Fixer ng taxi na nagkalat sa labas ng Bay Areas. Tanga lang ang hindi makakaalam nito, kaya Hondrado gumalaw galaw ka dyan sa upuan mo baka di mo alam to.
  • Palpak at walang kwentang elevators, walkalators, escalators, CCTVs. Napapadalas uwi ko this year and same walkalators and escalators under maintenance pa rin! T**** talaga! From check-in area to restaurants sa 3 flr, lagi sira yan. Walkalators sa T3, lagi sira.
  • Palpak at walang kwentang Flight Information Display. Di ko alam ano brain cells tumatakbo kay GM Hondrado para magpalagay ng mga flight information display na to. Maliit screen (i think max 10 flights, bobo lang talaga), masyado mataas, nakaharang sa daanan ng pasahero at laging na lang sira. Threat to passenger safety pa yan kapag nagmamadali ka.
  • Palpak at walang kwentang Baggage Information Display. Sayang pera natin dito, kasi sa lahat ng flights ko, di naman namin nagamit to.
  • Palpak na Aero-bridge. Last call lang ako nagboboard kasi pagka haba haba nun aero-bridge papasok ng eroplano, wala man lang aircon or electric fan. Hirap ako huminga kapag walang moving na hangin.
  • Kaawa-awang OEC Refund room. Kung may refund ka sa OEC mo, malas mo lang kung mahaba ang pila. Bakit, kasi di mo pipiliin magtagal sa room nila. Hindi sapat ventilation at ma-suffocate ka. I pity yun dalawa nagpaprocess.
  • Foreign Passport lane at kawawang OFW lane sa immigration. Makikita nyo daan-daan nakapila OFW sa OFW lane pero sa foreign passport lane, walang laman! Matigas ulo ko kaya dun pa rin ako pumipila kung saan bakante (nag tsitsimisan customs officers). TInanong ko yun customs officer, ano pagkaiba neto sa OFW lane. Sagot, wala naman daw pero pasalamat daw ako kasi niprocess nila exit ko! Abay sha nga naman…
  • Pag ban sa white taxis. Recently lang ito na-ban ang mga white taxis, and of course makikinabang dito ang operator ng Yellow Taxi. Safer daw to. Maybe, pero hindi pa rin nagsusukli ng tama mga yan. Isa pa, sinadya yata na walang sign board na nagsasabi yun budget taxi nasa taas, dun kayo pumila.
  • Nakawan ng gulong sa parking. Hindi ako biktima nito, pero based sa guard na nakausap ko, wawarningan ka nila na wag magpark sa labas.
customs fid1 fid2 fid3

Teka, hindi naman ako puro reklamo, kaya ito naiisip ko solusyon:

  • Sibakin si GM Hondrado. Nakasalalay na ang national interest natin dito at reputasyon natin bilang Pilipino, kung di nila kaya mag Hara Kiri kasi di naman uso satin yun (si Gen. Reyes pa lang gumawa nun), resign na lang sila at ibigay sa mas magaling na opisyal.
  • NBI take-over yun imbestigasyon kasi kung meron natitirang pwede pagkatiwalaan dito, NBI lang yun. AVSEGROUP at OTS mag imbestiga? Wag nyo naman kami gawing tanga!
  • Hire competent intelligence, reward whistle blowers. Php 100,000 sa bawat maituturong sangkot sa scam nato TANIM BALA sa NAIA. Mabilis pa sa alas-kwatro, may impormasyon na sila. Do covert operations para malinis ang NAIA.
  • Transparency. Ipakita sa lahat ng tao ano ginagawa ng MIAA at magkaron ng venue para tanggapin mga reklamo at siggestion ng mga tao.
Ikaw, ano pa ba kapalpakan nakikita mo sa NAIA?

© 2017 | About | Contact | Follow me on Twitter | Powerered by Hucore & Hugo