Moral Ascendancy Inexistence

February 7, 2008 by rdagumampan

Transcript of Lozada’s exposé: ‘Halika tawagan natin si FG’

Masyado na talaga malalim ang nangyayari ngayon. Every scandal that rocks this administration seems like a rolling wind and nawawala rin lang pagkaraan ng ilang araw or natatabunan ng mga isyu hindi inaasahan.

So ano na ngayon? Ano ba ang susunod na kabata. Uy mga pare and mare, ingat kayo dyan baka mamaya yan naman Megamall, Market-market or MOA ang bombahin. Ano kaya ang susunod na pwede gawin para matabunan ang mga isyu ngayon ay inaasahang yumanig sa malakanyang.

Nakakatawa ano, parang istorya ni Bush nun i-terminate nya ang ilang Attorney Generals. Hindi yata uso sa atin ang tinatawag na obstruction of justice. Pareho rin ang pagbabawal na umatend sa mga senate inquiry and kanyang cabinet member and pagdepense gamit ang “Executive Privilege”. Ibang klase ano, garapalan, kung walang gagalaw, kung walang kikilos, kung walang makikialam magiging okay lang ang lahat. Milyon-milyong piso galing sa buwis natin ang napupunta sa walang kwentang suhulan, bayaran at kurapson. Muntik na tayo nalubog sa 300 milyon utang na wala tayo kamuwang-muwang.

Ng una ko marinig ang balita tungkol sa pamumudbod ng pera sa Malakanyang sa mga gobernador natin, iba ang pakiramdam and I’m sure na parehong naramdaman ng bawat Pilipino tumututok sa mga nangyayari sa pulitika. Kung matandaan natin, una ng inamin ng PNP na galing daw sa pundo nila ang tig-500 thousand na maagang pamasko. Tapos meron na naman umamin na galing daw sa pondo ng Leage of Governors. Pero napanood at nakit mo ba yung bitbit ng mga governors na paper bag galing malakanyang na nakunan ng ABS-CBN. At iilan lang ang umamin ha, nasaan na kaya yun, siguro pinambili ng Expedition kasi hindi na uso ang Nissan Safari ngayon, or siguro nakabagong Fortuner yan ang mas maporma sa daan, bagay na meron hagad. Samantalang sa maraming barangay kulang na kulang ang supply ng gamot, naghihintay ang mga magsasaka ng ulan kasi masyado na mahal ang krudo para sa irigasyon.

Ano ba ang pundasyon ng political party sa ating bansa? Sagot: WALA! Mabibilang sa daliri ang mga nakikita natin mapagkakatiwalaan na mamuno sa atin. Habang nagkakagulo sila sa senado, nakabinbin pa rin ang bill na misyon pababain ang presyo ng gamot! Nagpalit ng Senate leadership sa walang kwentang dahilan, sana man lang meron isyu na pinagtalunan diba. Ngayon naman kakanta si JDV laban sa administrasyon, patunay lang na isa rin sya nanahimik na tuta, parang pelikula ano kaso wala ako maisip na magan title, lahat yata pangit. Samantalang ganito ang nangyayari, bulag at tanga pa rin tayo mga pilipino. Nagpipilit na pumila makita lang si Idol at makakuha ng wrist band. Syempre meron din yan t-shirt. Hay buhay, anak ng alamang, sabi nga nin Antony Taberna.

Nagiging malinaw unti-unti ang lahat. Ang koneksyon ng NBN project, sa CyberEducation project, ang testimonya ni JDV III, ang pananalita ni Neri. Kaso wala eh, ano ba magagwa natin, eh di wala. Patuloy lang ang buhay, eventually maayos din lahat ito. Wala naman tayo sa posisyon at kapangyarihan na baguhin ang lahat. Isang boto lang naman ang meron tayo, at dalawang taon pa ang hintayin natin. Ngayon pa lang, ingatan na natin to.

Ikaw, may tiwala ka pa ba?

Pero kahit ano pa man, gumagalaw naman tayo. I can feel our country is moving and is moving fast. It feels great to read all business news in the past 6 months, all business news are good and positive. Its almost perfect, its almost what I have wanted. But it seems, we cant have it for now…

Let’s move on, just with ourselves. Its all we can do for now. Stay positive. Live and work the righteous way and maintain it. This way we can do our part. <Sigh>

Related Reports: http://www.gmanews.tv/nbnzte

© 2017 | About | Contact | Follow me on Twitter | Powerered by Hucore & Hugo